90 pang overseas Filipino, nagpositibo sa COVID-19
May 90 pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 9, nasa 21,731 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 100 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 7,849 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
27 naman ang bagong gumaling kung kaya 12,558 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Tatlo naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,325 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 12,332 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,566 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 1,015 naman ang kaso sa Americas at 4,818 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.