May namataang Low Pressure Area (LPA) sa loob sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 335 kilometers Silangan ng Borongan City, Eastern Samar bandang 3:00 ng hapon.
Bagamat malayo pa sa kalupaan ng bansa, nakakaapekto na ang trough ng LPA sa Bicol region, buong Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at CARAGA.
Samantala, umiiral pa rin ang Southwest Monsoon o Habagat sa malaking bahagi ng Luzon.
Magdudulot aniya ang naturang weather system ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, Cagayan Valley at sa MIMAROPA.
Sa parte naman ng Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, maaring makaranas ng maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms.