COVID wards at critical care units ng St. Luke’s Medical Center sa BGC, QC nasa full capacity na

Umabot na sa full capacity ang COVID wards at critical care units ng St. Luke’s Medical Center (SLMC) sa Bonifacio Global City, Taguig at Quezon City.

Base ito sa sitwasyon ng ospital hanggang Lunes, August 9.

Sinabi rin ng pamunuan ng ospital na mayroon pang mga pasyente na naghihintay para ma-admit sa Emergency Rooms.

Umapela ang SLMC sa mga pasyete na nakararanas ng sintomas ng COVID-19 at kailangan ng agarang medical treatment na ikonsidera ang iba pang healthcare institutions upang ma-accommodate.

Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit sa bansa, hinikayat ng SLMC ang publiko na sumunod sa minimum health standards.

Sa ganitong paraan, makakatulong anila ang publiko upang mapababa ang kaso ng COVID-19.

Read more...