BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 1.66-M na; 8,900 ang nadagdag

Lagpas 8,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (August 9), pumalo na sa 1,667,714 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 78,480 o 4.7 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 8,900 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

94.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.1 porsyento ang asymptomatic; 1.18 porsyento ang moderate; 1.7 porsyento ang severe habang 1.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa anim naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 29,128 o 1.75 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 7,937 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,560,106 o 93.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...