Pagtatayo ng San Lazaro Residences sa Maynila, sinimulan na

By Angellic Jordan August 09, 2021 - 03:56 PM

Screengrab from Mayor Isko Moreno’s Facebook video

Sinimulan na ang pagtatayo ng ika-apat na pampublikong pabahay ng Lungsod ng Maynila sa araw ng Lunes, August 9.

Pinangunahan ang groundbreaking ceremony ni Mayor Isko Moreno, kasama sina Engineer Armand Andres, Architect Ely Balmoris, at Direktor ng Pampublikong Kalusugan Malou Santos.

Ayon sa alkalde, hudyat ito ng pagtupad ng pangako ng Manila City government.

“Habang kinakaharap natin pare-pareho ang pandemya, yung pangarap nating sa Lungosd ng Maynila at pangarap natin para sa mga taga-Maynila, kailangan matuloy. Ngayong araw na ito, ilang buwan smula ngayon, 382 families ang magbabago ang buhay,” pahayag nito.

Dagdag ni Moreno, “Disenteng masisilungan, mauuwian, maibabalik natin ang dignidad ng pamiyang manilenyo hanggat kaya natin hindi tayo titigil. Who would thought na pwede pala, kaya pala. So pagtayo nagtulng tulong at nagsama sama, nakaisa, may tutunguhan pala ang bangka natin.:

Ang proyekto ay magkakaroon ng mga sumusunod:
— 382 na unit
— 132 na parking slot
— Manila Public Health Laboratory
— Isang Health Center
— limang elevator para sa mga residential unit
— Isang elevator para sa Manila Public Health Laboratory
— Swimming pool
— Activity lawn
— Function room
— Roof garden at roof deck
— Tatlong rentable space
— Mga outdoor activity area sa 19th floor
— Mga activity area sa 6th hanggang 18th floor

“Dito sa in-city vertical housing program ng lungsod, wala ng magiging iskwater, may kapanatagan na ang mga pamilyang nagbenepisyo at magbebenepisyo habangbuhay,” saad pa ni Moreno.

TAGS: #BagongMaynila, InquirerNews, IskoMoreno, RadyoInquirerOnline, SanLazaroResidences, #BagongMaynila, InquirerNews, IskoMoreno, RadyoInquirerOnline, SanLazaroResidences

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.