Bilang ng fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 11.3-M na
Umabot na sa higit 24.47 milyon ang bilang ng mga naiturok na bakuna kontra sa COVID-19.
Sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang araw ng Lunes (August 6, 2021), nasa kabuuang 24,479,750 na ang naiturok na bakuna laban sa nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 13,087,781 ang nabigyan ng first dose habang 11,391,969 ang naturukan ng second dose.
Nasa 516,601 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na pitong araw.
Patuloy namang hinihikayat ng gobyerno na magpabakuna na.
Pinaalalahanan din ang mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.