Rep. Salceda umapelang palawigin ang genome sequencing operations sa Visayas, Mindanao

August 09, 2021 - 03:31 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Umapela si Albay Rep. Joey Salceda kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa National Task Force (NTF) on COVID-19 na tulungan ang Philippine Genome Center (PGC) na palawigin ang genome sequencing operations sa Visayas at Mindanao.

Tinukoy ni Salceda na mangangailangan ng P100 milyong pondo ang PGC para sa pagpapalawak ng sequencing sa mga rehiyon sa bansa.

Giit ng Chairman ng Committee on Ways and Means, maituturing na “essential ingredient” o mahalagang sangkap ang PGC upang hindi matulad ang bansa gaya na lamang ng nangyari sa Indonesia na ginimbal ng biglang pagtaas ng kaso ng Delta variant.

Naniniwala si Salceda na kung agad na made-detect ang variants ay maaaring matalo o kaya ay mapigilan ang mabilis na pagkalat.

Pero kung hindi agad matutukoy ang variants ay humaharap tayo sa kalaban na mas nakamamatay pa kumpara sa Alpha variant.

Upang mapigilan ang paglala ng Delta variant cases sa bansa, kinakailangang mag-invest na sa genome sequencing gayundin ay bilisan ang testing, at pagibayuhin ang facilities-based quarantine.

TAGS: COVID, COVIDtesting, GenomeSequencing, InquirerNews, JoeySalceda, RadyoInquirerOnline, COVID, COVIDtesting, GenomeSequencing, InquirerNews, JoeySalceda, RadyoInquirerOnline

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.