Sen. Leila de Lima nababahala na magiging ‘cash cow’ ang Boracay Island
Tutol si Senator Leila de Lima sa panukala na magbuo ng Boracay Island Development Authority (BIDA).
Isinusulong ang BIDA Bill sa Mababang Kapulungan at noong Agosto 4 ay lumusot na ito sa ikalawang pagbasa.
Ayon kay de Lima tinutulan ng mga lokal na opisyal, maging ng ilang ahensiya ng gobyerno ang panukala.
Aniya ang ikinababahala ng mga tutol ay gawing ‘gatasan’ ang pamosong isla sa Visayas ng mhga tiwaling opisyal ng gobyerno.
“Make no mistake, this is an act of unjust taking driven by people who are salivating at the prospect of using the island and its natural resources as a cash cow to satisfy their personal greed, rather than the betterment of the residents. And it would be just the beginning if allowed to push through,” babala ng senadora.
Kinilala naman ni de Lima ang positibong nagawa sa ikinasang rehabilitasyon sa isla, ngunit aniya kailangan ibalik na ng gobyerno ang pamamahala at operasyon ng Boracay sa lokal na pamahalaan.
Nabatid na may siyam na magkakatulad na panukala sa Kamara at pinag-isa na lang ang mga ito sa House Bill No. 9826, na ang layon ay ang pagbuo ng BIDA, para sa magiging diskarte sa paghawak ng Boracay, gayundin ang mga ari-arian na nasa isla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.