Vice Mayor Lacuna, positibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Manila City Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Lacuna-Pangan na napag-alamang positibo siya sa nakakahawang sakit, Linggo ng hapon (August 8).

“Sa kabila ng matinding pag-iingat ay hindi ko lubos na inaasahn ang nakalulungkot na resulta,” saad nito.

Dahil dito, pansamantala aniya siyang magpapagaling mula sa sakit.

Humiling naman si Lacuna-Pangan ng panalangin para sa paggaling ng lahat ng maysakit.

Hinikayat din nito ang patuloy na pagtalima sa health and safety protocols laban sa COVID-19.

Read more...