Isa pang pulis, nasawi dahil sa COVID-19

Nasa 152 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (August 9), 31,497 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,673 ang aktibo pang kaso.

57 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 29,737 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

May isang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 87 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...