Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 203.45 milyon
Pumalo na sa 203.45 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 203,455,121 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 36,543,338 cases.
Sumunod na rito ang India na may 31,969,954 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 20,165,672 naman ang kaso sa Brazil habang 6,447,750 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 6,305,158
– United Kingdom – 6,069,362
– Turkey – 5,918,540
– Argentina – 5,018,895
– Colombia – 4,838,984
– Spain – 4,588,132
– Italy – 4,396,417
– Iran – 4,158,729
– Germany – 3,797,836
– Indonesia – 3,666,031
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,307,456 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 182,771,311 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.