Leadership of partnership isusulong ni Marcos sa susunod na administrasyon

By Rod Lagusad April 27, 2016 - 08:25 PM

PRESCON ON BBL / MAY 5, 2015 Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr speaks during a news conference at the Senate on Tuesday that the Citizen’s Peace Council report on the draft Bangsamoro Basic Law (BBL) showed that the proposed measure should be amended despite Malacañang’s insistence that it be passed in its present form. INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Ipinangako ni Senador Bongbong Marcos na siya ay makikipagtulungan sinuman ang maging Pangulo ng bansa kung siya ay papalarin na manalo bilang Vice-President sa darating na halalan sa May 9.

Sa panayam sa kanya sa INQ&A ng Inquirer.net, sinabi ni Marcos na itataguyod niya ang “leadership of partnership”.

Ayon kay Marcos, ang mensahe ng kanyang kampanya ay pagkakaisa dahil ito ang kailangan ng bansa para umunlad.

Dagdag pa niya kung puro pulitika na lang ang mangyayari ay hindi makakaabante ang bansa.

Ibabalik din ni Marcos ang pagkakaroon ng “excellence in governance” dahil ayon sa kanya ang nakaraang anim na taon ay hindi ito napatupad ng maayos sapagkat hindi nila alam ang kanilang trabaho o wala silang pakiaalam kung tama o mali ang kanilang pamamahala.

TAGS: Election 2016, Marcos, vice president, Election 2016, Marcos, vice president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.