‘Hidilyn Diaz Bill’ lumusot na sa House panel

By Jan Escosio August 09, 2021 - 11:52 AM

Inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang panukala na ang layon ay maamyendahan ang Republic Act No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

 

Pinagsama na lang ang mga inihaing magkakahiwalay na bersyon ng panukala na binansagan Hidilyn Diaz Act, base sa kaunaunahang Filipino na nakakuha ng gintong medalya sa Olympics.

 

Layon ng panukala na gawing tax free at ilbre sa anumang bayarin ang lahat ng mga pabuya, premyo at bonuses na matatanggap ng mga pambansang atleta sa pagsali nila sa mga pandaigdigang torneo.

 

Sa ngayon ang hindi lang binubuwisan ay ang mga pabuya na mula sa gobyerno.

 

Katuwiran ng mga mambabatas walang basehan na buwisan ang iba pang mga pabuyang ibibigay sa mga pambansang atleta.

 

Ngunit pagdiiin lang nila, tanging ang mga pabuya lang na mag-uugat sa tagumpay sa mga pandaigdigang torneo ang hindi papatawan ng buwis.

 

Magugunita na bumuhos ang pabuya kay Diaz mula sa pribadong sektor nang masungkit niya ang kauna-unahang Olympic gold medal sa women weightlifting category sa 2020 Tokyo Olympics.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.