Pagkakapatay ng tanod sa isang curfew violator sa Maynila tutukan ng PNP
Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang PNP na masusing imbestigahan ang pagkakapatay ng isang barangay tanod sa isang curfew violator sa Tondo, Maynila.
Diumano ang 59-anyos na biktima ay may kapansanan sa pag-iisip.
Naaresto na ang suspek na nakilalang si Cesar Panlaqui.
Sinabi nito na sinaway niya ang biktima dahil kinakalabog ang gate ng mga bahay sa may Tayuman street noong Sabado.
Nabanggit na may nakuhang mga laruang baril sa biktima, na namatay sanhi ng tama ng bala sa dibdib.
Ayon kay Panlaqui ang nakuhang ilegal na .38 revolver sa kanya ay pangdepensa niya sa sarili.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.