Sisimulan ang sabay-sabay na pagbibigay ng P1,000 ayuda mga kuwalipikadong residente ng Metro Manila sa darating na Miyerkules, Marso 11.
Ito ang inanunsiyo ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez base sa napagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC).
“Napag-usapan namin na lahat ng syudad sa Metro Manila, sa Miyerkules magsisimula lahat. Simultaneously lahat. Magsisimula ang pagbibigay ng financial assistance sa lahat ng mga residente na affected ng ECQ,” sabi ni Olivarez, ang namumuno sa MMC.
Ang pamamahagi ay gagawin sa pamamagitan ng bahay-bahay o ipapasok sa electronic wallet ng mga benipesaryo.
Dagdag pa ng opisyal, bawat barangay ay magkakaroon ng grievance committee para sa mga aapila na makasama sa mabibigyan ng ayuda.
Base sa inilabas na circular ng Malakanyang, pinakamataas na P4,000 ang matatanggap ng isang kuwalipikadong pamilya na apektado ng pag-iral muli ng enhanced community quarantine (ECQ).
Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P10.89 bilyon para sa ayuda sa 10.9 milyong indibiduwal.
Binigyan ang mga lokal na pamahalaan ng 15 araw para tapusin ang distribusyon ng ayuda.