(Reuters)
Bigo ang pambato ng Pilipinas na si Carlo Paalam na masungkit ang gintong medalya sa men’s flyweight division sa Tokyo Olympics.
Ito ay matapos talunin si Paalam ng pambato ng Great Britain na si Galal Yafa isa pamamagitan ng split decision na 4-1.
Kahit napabagsak sa unang round, hindi pa rin sumuko si Paalam at patuloy na lumaban.
Pinilit ni Paalam na bumawi subalit bigong mapatumba ang kalaban.
Ito na ang ikaapat na medalya na nakuha ng Pilipinas sa Tokyo Olympics.
Ginto para sa weightlifting na si Hidilyn Diaz, silver para kay Paalam, silver kay Nesthy Petecio at bronze kay Eumir Marcial.
MOST READ
LATEST STORIES