Tropical Storm Huaning pumasok na sa PAR

By Chona Yu August 07, 2021 - 01:01 PM

 

Binabantayan ngayon ng Pagasa ang Tropical Storm Huaning na pumasok na sa Philippine Area of Responsibility kaninang 5:00 ng umaga.

Ayon sa Pagasa, hindi direktang makaapekto sa weather condition ng bansa ang Tropical Storm Huaning at hindi rin magdadala ng malakas na pag-ulan.

Gayunman, magdadala naman ng malakas na hangin dahil sa Southwest Monsoon o Habagat sa bahagi ng Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, at Abra.

Namataan si Huaning 464 kilometers north ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang hangin na 65 kilometers per hour at pagbugso na 110 kilometers per hour.

Inaasahang magla-landfall si Huaninng sa bisinidad ng Hsinchu City sa Taiwan.

Lalabas ng bansa si Huaning sa Sabado ng hapon o gabi.

TAGS: batanes, itbayat, Pagasa, Tropical Storm Huaning, batanes, itbayat, Pagasa, Tropical Storm Huaning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.