Dalawang Chinese na mangingisda natagpuang patay sa Palawan

By Chona Yu August 07, 2021 - 10:24 AM

Patay na nang matagpuan ng mga  tauhan ng Philippine Coast Guard ang dalawang Chinese sa karagatan ng Palawan.

Ayon sa ulat ng PCG, namataan ng Filipinong mangingisda na si Marioa Mabuhay ang apat na Chinese na mangingisda sa Brgy Canipaan, Rizal, Palawan.

Agad na humingi ng tulong si Mabuhay sa PCG dahilan para ma-rescue ang mga dayuhang mangingisda.

Gayunman, dalawa sa apat na Chinese at patay na.

Ayon sa salaysay ng mga survivor na sina Fu Wanke at Lu Yunian galing sila sa Hainan, China at nakaranas ng malalakas na alon dahilan para mapadpad sa karagatan ng Palawan.

 

 

TAGS: China, chinese fishermen, Fu Wanke, Hainan, Lu Yunian, Palawan, PCG, China, chinese fishermen, Fu Wanke, Hainan, Lu Yunian, Palawan, PCG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.