1,848 katao nahuli dahil sa paglabag sa curfew sa Metro Manila

Umabot na sa 1,848 katao ang nahuhuli ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa umiiral na curfew sa Metro Manila na ngayong ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay PNP chief Guillermo Eleazar, sa naturang bilang 605 ang nabigyan ng warning.

Aabot naman sa 1,235 ang pinagmulta habang ang walo ay pinag-community service.

Ipinatupad ang curfew at ECQ sa Metro Manila dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 dahil na rin sa banta ng Delta variant.

Umiiral ang curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga at tatagal ng hanggang August 20. Layunin ng curfew na mabawasan ang paggalaw ng tao.

Read more...