COVID-19 vaccination rollout dapat paigtingin pa ayon kay Senador Bong Go

By Chona Yu August 07, 2021 - 10:04 AM

Hinihimok ni Senador Bong Go ang pamahalaan na lalo pang bilisan ang COVID-19 vaccination rollout sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ito ay para agad na maabot ang heard immunity sa komunidad lalo’t may banta ngayon ng Delta variant.

Ayon kay Go, ngayong nasa enhanced community quarantine ang Metro Manila hanggang August 20 dapat na samantalahin ito at dagdagan ang pagbabakuna.

“Hinihimok ko po ang gobyerno na patuloy nating pabilisin ang pagbabakuna sa ating mga kababayan upang agaran din nating makamit ang inaasam nating herd immunity sa paraang maayos at ligtas,” pahayag ni Go.

“Ang pagbabakuna po ang susi upang matalo natin ang COVID-19 at makabalik sa normal ang ating pamumuhay. Pero gawin dapat ito sa maayos at organisadong paraan. Gusto nating maproteksyunan ang taumbayan gamit ang bakuna. Pero higit sa lahat, ayaw nating magkahawahan pa,” dagdag ng Senador.

Nakatutuwa ayon kay Go na nagtutulungan ang pamahalaan at ang taong bayan para maging maayos ang pagbabakuna.

“Masaya po tayo dahil nakikita naman po natin ang pagtutulungan ng lahat para mapabilis ang ating pagbabakuna,” pahayag ng Senador.

Sa pinakahuling talaan, nasa 23 milyong katao na ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19.

“Kinokomendahan po natin ang gobyerno sa lahat ng mga pagsisikap nito. Pero nagpapasalamat din tayo sa mga Pilipinong nakikiisa sa ating laban kontra COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapabakuna,” ayon sa Senador.

 

TAGS: COVID-19, ECQ, Senador Bong Go, vaccination rollout, COVID-19, ECQ, Senador Bong Go, vaccination rollout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.