24/7 COVID-19 vaccination sa Manila magsisimula na sa August 8
Aarangkada na sa August 8 ang 24/7 COVID-19 vaccination program sa Manila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng 118,000 doses ng Moderna vaccines mula sa national government.
Bukod dito, sinabi ni Mayor Isko na nabigyan na rin ng orientation ang mga health workers na nag-boluntaryong tumulong sa vaccination program.
Tatalima aniya ang lungsod ng Manila sa direktiba ng Department of Health na bawal ang walk-in.
Ibig sabihin, kailangan magparehistro sa website ng lungsod ng Manila.
Ipagbabawal din ng lokal na pamahalaan ang pagpapalipat-lipat ng vaccination site.
Matatandaang nagkagulo ang bakunahan sa Maynila matapos dagsain ng mga residente na galing sa mga karatig bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.