Nas Daily nabawasan ng followers dahil sa sunod-sunod na kontrobersiya

(Facebook post of Nas Daily)

Sa loob lamang ng tatlong araw, nabawasan ng 370,000 followers sa Facebook ang sikat na vlogger na si Nas Daily o Nuseir Yassin.

Ito ay matapos madawit sa kontrobersiya si Nas nang magreklamo ang apo  ng traditional tattoo artist ng Pilipinas na si Whang-Od na at ang entrepreneur na si Louise Mabulo.

Ayon sa analytics ng Facebook, nagsimulang mabawasan ng follower si Nas noong August 4 nang lumutang sa social media ang apo ni Whang-Od na si Grace Palicas na nagsasabing hindi pumirma ang kanyang lola sa ano mang kontrata kay Nas para Nas Academy upang magturo ng pagta-tattoo.

Sinundan pa ng kontrobersiya si Nas nang mag-post din sa Facebook si Mabulo ukol sa masamang karanasan sa vlogger.

Mula sa 20.98 million na followers, nasa 20.59 million na lamang ang followers ngayon ni Nas.

 

Read more...