Police provincial director ng Sulu patay matapos barilin ng kapwa pulis
Patay ang hepe ng Sulu Provincial Police Office matapos barilin sa quarantine control point sa Jolo, Sulu, kahapon, August 6.
Batay sa report ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nakilala ang biktima na si Police Colonel Michael Bawayan Jr, police Director ng Sulu Provincial Police Office.
Nabatid na nagsasagawa ng quarantine control point sa Barangay Asturias nang barilin ng suspek na si Police Senior Staff Sergeant Imran Jilah.
Agad naman na nakaganti ng putok ang security personnel ni Bawayan kung kaya napatay ang suspek na si Jilah.
Naisugod pa sa ospital si Bawayan subalit binawian din ng buhay.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pambansang pulisya para matukoy ang motibo sa pamamaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.