Higit 1-M katao sa Quezon City, nabakunahan na vs COVID-19
Sumampa na sa isang milyon ang bilang ng mga naturukan ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos hanggang 8:00, Biyernes ng umaga (August 6), umabot na sa 1,015,256 o 59.72 porsyento ng 1.7 milyong target ang naturukan ng unang dose habang 597,517 o 37.17 porsyento naman nabigyan ng ikalawang dose.
Dahil dito, umabot na sa kabuuang 1,612,773 ang naiturok na bakuna sa tulong ng mga health worker, staff at volunteer sa naturang lungsod.
Patuloy namang hinihikayat ang publiko na magpabakuna na upang mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19, lalo na sa mas nakakahawang Delta variant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.