Kaugnay ito ng panawagan ni Interior Secretary Eduardo Año sa lahat ng lokal na pamahalaan na i-update ang nutrition plans kasabay ng pagpapatupad ng full devolution sa susunod na taon.
“Tunay na napapanahon ang kagyat na pagpapalakas ng mga plano at pagkilos ng ating lalawigan sa nutrisyon dahil sa mas pinalaking responsibilidad ng lokal na pamahalaan sa sektor ng kalusugan sa ilalim ng Mandanas Ruling ng Korte Suprema”, paliwanag ng kongresista.
Simula kasi sa susunod na taon, mas malaki na ang pondong matatanggap ng mga local government unit (LGU) alinsunod sa desisyon ng Supreme Court sa petisyong isinampa noon ni Batangas Governor Dodo Mandanas.
Giit pa ng mambabatas na tumatayong Chairperson ng House Committee on Health, nakababahala ang resulta ng 2019 Expanded National Nutrition Survey para sa Quezon ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) kung saan napag-alamang anim sa bawat 10 o 61.9 porsyento ng sambahayan sa Quezon ay nakakaranas acute food insecurity habang tatlo sa bawat 10 o 32.2 porsyento ng sambahayan sa probinsya ay nakakaranas ng chronic food insecurity.
Lumabas din sa Expanded National Nutrition Survey na tatlo mula sa 10 batang may edad 5 pababa ay maliit; dalawa sa limang batang may edad 5 pababa ay kulang sa timbang; at isa sa 10 bata ay anemic.
Dahil dito, sa pakikipagtulungan ng DOST-FNRI, inilunsad ni Rep. Tan at Atoni Mike Tan ang ‘Enhanced Nutribun Project’ noong buwan ng Hulyo.
Layon nitong tugunan ang lumalalang malnutrisyon sa ikaapat na distrito at buong probinsya ng Quezon.
Sang-ayon ito sa Republic Act 11148 o “Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act” na isinabatas ni Rep. Tan.
Makatutulong din ito sa maraming magsasaka sa Quezon dahil gagamiting sangkap sa paggawa ng enhanced nutribun ang kanilang mga pananim.
Ang pagbabalik ng nutribun sa Quezon ay isinagawa nina Rep. Tan at Atorni Mike sa ilalim ng pinalawak na “Libreng Gamot at Nutrisyon sa Barangay”.