DILG, nagpasalamat kay Pangulong Duterte sa pag-apruba ng pondo para sa rehiring ng 15,000 contact tracers

Inquirer file photo

Nagparating ng pasasalamat ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa pag-apruba ng pondo para sa rehiring ng 15,000 contact tracers hanggang sa pagtatapos ng taong 2021.

Layon nitong mapalakas ang contact tracing efficiency ng bansa kasabay ng tumataas na kaso ng mas nakakahawang Delta variant cases ng COVID-19.

“Sa panahon ngayon na tumataas na naman ang mga kaso ng COVID-19 at sa pagsulpot ng mga panibagong variants, kailangan natin sila para patuloy nilang tuntunin at tukuyin ang mga close contacts ng COVID-19 positive cases,” pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año.

Sinabi ng kalihim na kailangan ng mga lokal na pamahalaan ng suporta ng national government upang mapanatili ang local contact tracing efforts.

“The national government and the LGUs are in this grueling mission together to protect our people from the virus and to prevent its spread. Kapit-kamay tayo at walang iwanan hanggang sa tayong lahat ay makabangon na mula sa pandemyang ito,” saad nito.

Mahalaga aniya para sa DILG na mapanatili ang mga contact tracer ng mga LGU para masiguro ang contact tracing operations sa bansa.

Inaprubahan ng Pangulo ang kahilingan ng DILG na karagdagang P1.7 bilyong pondo para sa extension ng serbisyo ng mga contact tracer hanggang December 2021.

Read more...