Bilang ng APORs na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines, higit 200,000 na
Umaarangkada pa rin ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) sa railway lines.
Sa datos noong August 5, nasa 78,093 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.
Sa nasabing bilang, 19,109 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 54,148 sa MRT-3 habang 4,836 naman sa PNR.
Dahil dito, umabot na sa 208,059 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong August 3.
Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasahero naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.
Epektibo ang libreng sakay sa railway lines hanggang August 20, 2021 kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.