Kabuuang bilang ng naitalang Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 450
Nakapagtala ng karagdagang 119 kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa nasabing bilang, tatlo ay local cases at 20 ang eeturning overseas Filipinos (ROF).
Ang anim namang iba pa ay bineberipika pa ng mga awtoridad kung local o ROF cases.
Sa bagong local cases, 18 ang naitala sa NCR, 14 sa Calabarzon, 18 sa Central Luzon, 31 sa Western Visayas, walo sa Northern Mindanao, at tig-isa sa Central Visayas, Eastern Samar, Zamboanga Peninsula, at CAR.
Base sa datos na inilabas ng DOH, UP-PGC at UP-NIH, umabot na sa 450 ang kabuuang bilang ng na-detect na Delta variant cases sa bansa.
Maliban dito, may na-detect ding 125 Alpha cases, 94 Beta cases, at 11 P.3 variant cases.
Sa ngayon, nasa 10,473 samples na ang dumaan sa genome sequencing.
Patuloy namang hinihikayat ng DOH ang publiko na mahigpit na sundin ang health protocols laban sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.