TESDA sinuspindi ang mga klase sa technical schools na nasa ECQ areas

By Jan Escosio August 06, 2021 - 12:42 PM

Ipinag-utos ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagsuspindi ng face-to-face classes at pagsasagawa ng competency assessment sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.

Ang memorandum na ipinalabas ni TESDA Secretary Isidro Lapeña ay base sa pag-apruba ni Pangulong Duterte sa rekomendasyon ng IATF na pairalin muli ang ECQ sa Metro Manila simula ngayon araw hanggang Agosto 20.

Sakop ng kautusan maging ang Technical Vocational Institutions (TVIs) na nasa ECQ at MECQ areas.

Magpapatuloy naman ang competency assessment ng Domestic Work NC II  na isinasagawa sa TESDA Technical Institutes sa mga lugar na nasa MECQ o mas mababa pa ang quarantine restrictions.

Hinihikayat naman ni Lapeña ang mga apektadong TVIs at Assessment Centers na magsagawa na lang ng  online at virtual trainings hanggang maari  habang suspindido ang ‘face-to-face’ classes.

Paalala lang din niya sa kanyang regional at provincial directors na tiyakin na nasusunod sa lahat ng TVIs at ACs ang health and safety protocols.

TAGS: ECQ, face-to-face classes, isidro lapena, Tesda, ECQ, face-to-face classes, isidro lapena, Tesda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.