COVID-19 vaccination program sa mga bata sinuportahan ni Sen. Kiko Pangilinan

By Jan Escosio August 06, 2021 - 10:59 AM

Hiniling ni Senator Francis Pangilinan na bigyan proteksyon na ang mga bata laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpababakuna na rin sa kanila.

Base ito sa pahayag ng Philippine General Hospital (PGH) na full capacity na ang kanilang ICU beds ng mga bata na tinamaan ng nakakamatay na sakit.

 “Dahil na rin mas nakakahawa ang Delta variant, hindi sapat ang lockdown lang. Kailangan ng ayuda. Kailangan ng testing. Kailangan ng mas maraming bakuna. We need to ramp up vaccinations and possibly start including our children too),” sabi ng senador.

Banggit niya, noong nakaraang Hunyo, inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na inamyendahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng Pfizer COVID 19 vaccine upang maari na rin itong iturok sa mga nasa edad 12 – 15.

Aniya maganda na higit 673,000 ang nabakunahan noong Martes at dapat lang ay magtuloy-tuloy ang ganitong bilang at dapat lang aniya sabayan ito ng mas pinaigting na contact-tracing at testing.

Kasabay nito, sinabi ni Pangilinan na isusulong niya ang pagtaas ng pondo ng PGH sa pagsasabing, “nakakabahala na nagkakaubusan na muli ng ICU beds lalo na ngayon pati mga bata ay sobrang naapektuhan na ng Covid. Malinaw na kailangan pa ng dagdag na suporta ng PGH at iba pang mga ospital.”

TAGS: bata, COVID-19, pgh, Senator Kiko Pangilinan, vaccine, bata, COVID-19, pgh, Senator Kiko Pangilinan, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.