Sen. de Lima umapila ng sapat na ayuda para sa mga mahihirap na estudyante
Sinabi ni Senator Leila de Lima na hindi dapat gawing katuwiran ng gobyerno ang pandemya sa kakulangan ng sapat na tulong sa mga tunay na mahihirap na estudyante.
Ibinahagi ng senadora na nagpasaklolo sa kanya ang 4PS Parents Leaders ng Samahan ng Nagkakaisang Pamilyang Pantawid para sa tulong ng kanilang mga anak na nagsusumikap na makapag-aral sa kabila ng kanilang kahirapan.
Ayon kay de Lima, lubos pang nakadagdag sa hirap ng mga mag-aaral ang malaking hamon dulot ng blended learning system.
Puna niya, madalas na marinig sa gobyerno ang pagmamalasakit sa mamamayan ngunit tila walang gana sa pagpapalakas ng sistema ng edukasyon sa bansa ngayon may pandemya.
Batid niya na napakahirap ng sitwasyon ngayon ngunit matindi talaga ang pangangailangan para sa konkretong tulong sa mga mag-aaral, tulad na lang aniya sa pagkakaroon ng gadget ng mga mag-aaral.
“Marami sa kanila ay walang pambili dahil inuuna syempre ng magulang na nawalan ng hanap-buhay ang ilalagay sa hapag-kainan. Tugunan din dapat ng sapat at tamang stratehiya ang modular learning na kinakailangang paigtingin pa kung pagbabasehan man lang ang datos,” sabi pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.