Sen. Bong Go sinabing naka-focus sa pandemya, hindi sa eleksyon

By Jan Escosio August 06, 2021 - 09:29 AM

Sa kabila ng nakuhang mataas na trust rating, iginiit ni Senator Christopher Go na mas nakatuon ang kanyang pansin sa maitutulong sa pakikiharap sa pandemya kaysa sa politika.

Muli din iginiit ng namumuno sa Senate Committee on Health wala siyang interes sa mas mataas na posisyon.

“Darating din po ang panahon na magpa-file na po ang mga kandidato at darating din po ang panahon ng pulitika. Ako naman po, let me repeat, I am not interested to run,” diin nito.

Katuwiran niya napakahirap ng trabaho ng isang pangulo ng bansa base sa kanyang obserbasyon kay Pangulong Duterte.

Dagdag pa ng senador ipinauubaya na lang niya sa lahat sa kapalaran, sa Diyos at sa pamilya Duterte.

“Sa pagiging isang Pangulo at Pangalawang Pangulo, it’s all destiny. Kung para sa iyo, para sa iyo talaga ‘yan. Kung hindi para sayo, hindi talaga para sayo ‘yan. At kung sino po ‘yung kailangan ng mga Pilipino sa panahong iyon,” dagdag pa nito.

TAGS: 2022 national elections, Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, 2022 national elections, Rodrigo Duterte, Senador Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.