Go-Duterte tandem sa 2022 national elections

By Chona Yu August 06, 2021 - 07:25 AM

Pormal nang nominado ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban)  na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang tambalang Senador Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 national elections.

Sa pahayag ni PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag sa INQUIRER.net, sinabi nito na napili si Go bilang presidential candidate habang si Pangulong Duterte naman ang vice presidential candidate.

Ayon kay Matibag, gagawin ang official nomination sa tambalang Go-Duterte sa national convention sa September 8.

Excited aniya ang lahat ng miyembro ng PDP-Laban sa tambalang Go-Duterte.

Nagpapasalamat naman si Go sa suporta ng partido.

Ayon sa Senador, nanatili ang kanyang focus sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.

 

TAGS: 2022 national elections, Go-Duterte tandem, PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag, Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, 2022 national elections, Go-Duterte tandem, PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag, Rodrigo Duterte, Senador Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.