Pinuno ng NFA nag-resign

By Chona Yu April 27, 2016 - 04:52 PM

Dalisay NFA
Inquirer file photo

Nag-resign na bilang Administrator ng National Food Authority si Renan Dalisay.

Pero nilinaw ni Dalisay na hindi pa tinatanggap ng Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang resignation letter.

Ayon pa kay dalisay, ipinasa niya sa Malakanyang ang kanyang resignation letter noon pang April 15.

Personal at medical reasons ang idinadahilan ni Dalisay sa pagbibitw sa puwesto.

Nabatid na ang NFA Council ang pansamantalang hahalili sa mga trabahong hindi natapos ni Dalisay.

Nauna na ring lumabas ang mga balita na may sinusuportahang ibang kandidato ang naturang opisyal kaya siya umalis sa NFA.

TAGS: administratopr nfa, Aquino, dalisay, Malakanyang, administratopr nfa, Aquino, dalisay, Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.