Palasyo nagpaabot ng pagbati kina Paalam, Marcial

By Chona Yu August 05, 2021 - 06:23 PM

AFP photos

Nagpaabot ng pagbati ang Palasyo ng Malakanyang sa pagkakapanalo ng dalawang Pinoy na boksingero sa ginaganap na Tokyo Olympics sa Japan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kaisa ang Palasyo sa pagdiriwang ng sambayanan sa tagumpay ni Carlo Paalam.

Tinalo ni Paalam ang malakas na pambato ng Japan.

Dahil dito, sigurado na si Paalam sa Silver medal pero lalaban pa para makasungkit ng gintong medalya.

Ayon kay Roque, nagdiriwang din ang Palasyo sa pagkakapanalo ni Eumir Marcial na nakasungkit ng bronze medal sa men’s middleweight boxing.

Ayon kay Roque, isang malaking karangalan ang ibinigay ng mga Pinoy na boksingero sa bansa na dapat na gayahin ng mga kabataan.

TAGS: CarloPaalam, EumirMarcial, HarryRoque, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Tokyo2020, CarloPaalam, EumirMarcial, HarryRoque, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Tokyo2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.