DILG, nagbabala vs pekeng balita ukol sa pagbabakuna at ayuda
Nagbigay ng babala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ukol sa mga kumakalat na pekeng balita at maling impormasyon ukol sa pagbabakuna at ayuda.
Ayon kay DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya, walang katotohanan ang mga kumakalat na balitang tanging ang mga bakunadong indibiduwal lamang ang bibigyan ng ayuda ng gobyerno.
“The Ayuda 2 approved by the President is for low-income individuals and families in the National Capital Region (NCR) regardless of vaccination status,” pahayag ni Malaya.
Tinatapos na aniya ang mga panuntunan para sa agarang pag-release ng pondo alinsunod sa ipinatupad na sistema sa Ayuda 1 noong Abril.
Iginiit din nito na magpapatuloy pa rin ang pagkasa ng vaccination program sa lahat ng local government unit (LGU) sa kasagsagan ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ).
“In fact, we will utilize the 2-week lockdown to ramp up vaccination in Metro Manila in cooperation with the LGUs in order for us to reach population protection this year,” saad ni Malaya.
Dahil dito, lahat aniya ng indibiduwal na mayroong schedule para sa pagbabakuna ay ikokonsidera bilang Authorized Persons Outside Residence (APORs) at papayagang makalampas sa mga checkpoint basta’t ipapakita lamang ang kanilang vaccination schedule.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.