116 pang kaso ng Delta variant, naitala sa Pilipinas

Nakapagtala ang Pilipinas ang karagdagang 116 kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon sa Department of Health, 95 sa nasabing bilang ng kaso ay local cases, isa ang returning overseas Filipinos habang 20 ang bineberipika pa.

Dahil dito, umabot na sa 331 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng Delta variant sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na pinag-aaralan ang community transmission ng mas nakakahawang variant.

Patuloy din ang apela ng DOH sa mga lokal na pamahalaan na maging agresibo sa pagresponde dahil mayroon nang community transmission.

Maliban sa Delta variant, napaulat din ang 113 pang kaso ng Alpha variant, 122 kaso ng Beta variant, at 10 kaso ng P.3 variant.

Read more...