Gobyerno at AFP sinisi ng CBCP official sa pagpugot sa bihag ng ASG

By Den Macaranas April 27, 2016 - 04:38 PM

aquino-afp-80-620x331
Inquirer file photo

Sinisi ng isang lider ng simbahang katolika ang pamahalaan at militar kaugnay sa pagpatay ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa kanilang bihag na Canadian na si John Ridsdel.

Sa isang radio interview, sinabi ni Bishop Martin Jumoad na kasalanan lahat ng kasalukuyang administrasyon at ng Armed Forces of the Philippines kung bakit patuloy ang paghahasik ng kaguluhan ng bandidong grupo.

Ayon kay Jumoad, “Well it is a sad reality and then the people are saying, paano na ba ito? Bakit nagkakaganito? Saan na ba ang military? Saan na ba ang policemen? Saan na ba sila? Bakit nagkaganito?”

Magugunitang pinugutan ng mga miyembro ng Abu Sayyaf ang biktimang si Ridsdel makaraang matapos ang palugit na kanilang ibinigay para mabayaran ang hinihinging ransom na nagkakahalaga ng P300 Million.

Sinabi rin ni Jumoad na tila mahina ang mga military trainings ng ating mga sundalo dahil hanggang ngayon ay hindi pa nila nadudurog ang ASG samantalang iilan na lamang ang mga natitirang miyembro ng mga ito base na rin sa pahayag ng AFP.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Aquino, CBCP, Jumoab, ridsel, Abu Sayyaf, AFP, Aquino, CBCP, Jumoab, ridsel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.