Gobernador ng Nueva Vizcaya, pinasususpinde ng PACC dahil sa umano’y katiwalian

August 05, 2021 - 03:04 PM

Ipinauubaya na ng Presidential Anti – Corruption Commission o PACC at Department of Justice (DOJ) sa Office of the Ombudsman ang kasong katiwalian na kanilang inihain laban kay Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla, asawa nito at 15 iba pa dahil sa kwestyonable o hindi umano natapos na mga proyektong imprastraktura na nagkakahalaga ng P149 milyon.

Ito ay may kinalaman sa hindi pa rin natapos na proyekto na may kinalaman sa Nueva Vizcaya Convention Center, Improvement at Expansion ng Provincial Capitol Building 1 and 2, at Conference Hall sa Lower Magat Eco-Tourism Park sa Diadi, Nueva Vizcaya

Sinabi ni PACC Chairman Greco Belgica na matibay ang mga nakalap na mga ebidensya at mga testimonya laban kay Padilla at 15 iba pa kaya nasa kamay na ng Ombudsman ang reklamo.

Kabilang sa mga reklamong isinampa laban kay Gobernador Padilla at sa 15 iba pa ang paglabag sa Section .3 (e) ng Republic Act (RA) No. 3019 o Anti- Graft and Corrupt Practices Act, Sec.65 (c) (1)ng RA No. 9184 o Government Procurement Act dahil sa hindi umano natapos na mga proyekto kung saan isinama rin sa reklamo ang Sharysu Builders na tumayong contractor sa proyekto.

Bukod sa kasong kriminal, pinahaharap din ang mga respondent sa kasong administratibo, ayon kay Chairman Belgica.

Hiniling din ng PACC sa Ombudsman na masuspinde si Padilla at iba pang mga opisyal sa Nueva Vizcaya upang hindi umano maimpluwensyahan ang imbestigasyon.

Ayon naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra. ang reklamo laban sa mga opisyal ng Nueva Vizcaya ay pinag-aaralan ng Ombudsman.

Nauna na itong isinalang sa evaluation ng Task Force Against Corruption ng DOJ ( TFAC – DOJ) ang fact-finding report ng PACC at ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit na nakitaan na sapat o supisiyente mga ebidensya upang magharap ng pormal na reklamo sa Ombudsman.

Kinumpirma ng kalihim na bukod sa reklamo laban sa mga opisyal ng Nueva Vizcaya, marami pa silang mga kaso laban sa iba pang local government officials na kanila na ring inendorso sa OMB dahil sa samu’t saring katiwalian sa lugar na kanilang nasasakupan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.