Mga magpapabakuna kontra COVID-19 dagsa sa Maynila

By Chona Yu August 05, 2021 - 08:22 AM

Ilang araw bago ipatupad ang enhanced community quarantine sa Metro Manila, dinumog ng mga tao ang iba’t-ibang vaccination sites sa Maynila.

Hatinggabi pa lamang kasi nakapila na ang mga magpapabakuna.

Sa SM San Lazaro, kinansela na ang pagbabakuna ngayong araw matapos dagsain ng mga tao.

Mismong ang pamunuan na ng SM San Lazaro na ang humiling sa lokal ng pamahalaan ng Maynila na kanselahin ang pagbabakuna para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Isasagawa sana ngayong araw ang pagbabakuna sa apat na malls sa Maynila.

Ito ay ang Robinsons Place Manila, SM Manila, Lucky Chinatown at SM San Lazaro.

Tig 2,500 doses ng bakuna ang inilaan para sa mga A1 hanggang A5 na priority list.

 

TAGS: COVID-19, Lucky Chinatown, manila, robinsons place manila, SM Manila, SM San Lazaro, COVID-19, Lucky Chinatown, manila, robinsons place manila, SM Manila, SM San Lazaro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.