Narekober na katawan sa Sulu, kinukumpirma kung kay John Ridsdel

By Len Montaño, Ruel Perez April 27, 2016 - 03:16 PM

sulu mapKinumpirma ng militar na may narekober na katawan na walang ulo sa Sulu pero inaalam pa kung ang bangkay ay ang Canadian national na pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf Group.

Walang ibang detalye na ibinigay si Major Felimon Tan Jr., spokesperson ng Western Mindanao Command, partikular kung kailan at saan nakita ang walang ulong katawan ng lalaki.

Kinukumpirma pa anya ng mga otoridad kung ang headless body ay kay John Ridsdel. Magbibigay ng update ang naturang opisyal ng militar kung may available data.

Samantala, isinailalim na sa pagsusuri ng PNP Soco ang natagpuang bangkay na walang ulo.

Ayon sa impormasyon mula sa AFP, nadiskubre ng mga residente ang bangkay ng lalake na walang ulo alas otso kaninang umaga sa Brgy Bayug, Talipao Sulu.

Dinala na ang bangkay na walang ulo sa marine landing team sa lugar. Pinugutan ng ulo ng mga bandidong ASG si Ridsdel matapos mapaso ang deadline para sa pagbabayad ng ransom.

TAGS: abu sayyaf group, Sulu, abu sayyaf group, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.