Free ride para sa mga APOR sa railway lines, nagsimula na

Nagsimula na ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) sa railway lines sa araw ng Martes, August 3.

Sa unang araw nito, umabot sa 57,784 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.

Sa nasabing bilang, 13,708 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 40,710 sa MRT-3 habang 3,366 naman sa PNR.

Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasahero naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.

Epektibo ang libreng sakay sa railway lines hanggang August 20, 2021 kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Read more...