PGC, hinihintay pa ang pondo para sa mas malawak na genome sequencing

August 04, 2021 - 07:44 PM

Hinihintay pa ng Philippine Genome Center o PGC ang karagdagang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM) para mas mapalawak ang genome sequencing sa Metro Manila at iba pang rehiyon sa bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Health, humingi si Quezon Rep. Angelina Tan mula sa Department of Health (DOH) at PGC ng update hinggil sa genome sequencing.

Iginiit din ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate ang kahalagahan ng genome sequencing kung kaya’t kailangang pondohan ng pamahalaan sa lalong madaling panahon.

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III, nasa P220 milyon ang nailaang alokasyon para sa dagdag na test kits at human resource para sa PGC. Nasa ilalim aniya ng UP-System ang pondo ng PGC.

Sinabi naman ni Dr. Cynthia Saloma na kung mada-download lamang agad ng DBM ang karagdagang pondo para sa PGC ay mas marami ang magagawa nilang sequencing at kailangan din ng mahabang training para sa mga personnel.

Sa ngayon, sinabi ni Saloma na gumagamit ang PGC ng “most powerful sequencing machine” sa South East Asia na kayang mag-test ng 750 samples kada linggo.

Dagdag naman ni Usec. Ma. Rosario Vergeire, mayroong sub-national laboratory ngayon para sa genome sequencing, o sa UP Visayas at UP Mindanao.

Samantala, nilinaw ni Duque na ang genome sequencing ay hindi para sa “case management” ng COVID-19, at sa halip ito ay early warning system o alerto na mayroon nang presensya ng variant ng sakit sa bansa.

TAGS: AngelinaTan, GenomeSequencing, InquirerNews, PCG, RadyoInquirerOnline, AngelinaTan, GenomeSequencing, InquirerNews, PCG, RadyoInquirerOnline

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.