Magna Carta ng call center workers isinulong ni Senator Bongbong Marcos

By Marilyn Montaño April 27, 2016 - 02:00 PM

Bongbong PhotoIsinulong ni vice presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang magna carta para sa call center workers sa bansa dahil sa kinakaharap nilang mga problema sa kalusugan at kanilang trabaho.

Ayon kay Marcos, mahigit isang milyon ang call center agents sa bansa kaya kailangan na matugunan ang kanilang kundisyon sa trabaho para tiyak na alinsunod ito sa International Labor Standards.

“There are reports that many of our workers in the call center industry do not get proper compensation that is based on international standards. There is need for a specific body to make sure that they are not discriminated upon,” ani Marcos.

Bukod sa sweldo, sinabi ni marcos na dapat ding tingnan ang iba’t-ibang health issues na kinakaharap ng call center workers.

Batay sa pag-aaral ng international labor organization, nahaharap ang call center workers sa mga problema sa kalusugan gaya ng high blood pressure, sleep disorders, diabetes at obesity.

“This is because call center workers work long hours and usually during the graveyard shift. they spend most of their time sitting down in a high-pressure environment. such situation puts a toll on their health and we have to protect them,” dagdag ng senador.

Gaya anya ng isyu ng mga OFW, ang business process outsourcing o bpo industry ay nagresulta sa malalang social, health at psychological effects lalo na sa mga kabataan na bumubuo ng mayorya ng mga empleyado.

TAGS: BBM, bongbong, Call center, Magna Carta, Marcos, BBM, bongbong, Call center, Magna Carta, Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.