Ibinasura na ng Commission on Elections (Comelec) ang planong mall voting o ilipat ang ilang polling precincts sa mga malls sa May 9 elections.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ibinasura ng en banc ang una nilang desisyon noong March 10 na magkaroon ng mall voting.
Sa botong 4-3, nagdesisyon ang Comelec en banc na huwag nang ituloy ang panukalang mall voting.
Sinabi ni Bautista na nagbotohan sila, mula sa 6-1 ay naging 4-3 anya ang botohan na huwag nang gawin ang pagboto sa mga malls.
Ipinaliwanag ni Bautista kung paano nagbotohan ang mga commissioners ng poll body.
Ang interpretasyon anya ay kung aaprubahan o hindi ang paglipat ng polling precincts 45 days bago ang eleksyon.
Tinalakay anya ang approval na nangyari noong March 10 na 60 days bago ang halalan pero ilang commissioners ang nagsabi na dapat ay nailipat na ang mga presinto sa mga malls.
Dahil dito ay aabisuhan ng Comelec ang mga botante na ang mga presinto ay nailipat sa mga malls na bumalik sa kanilang regular polling precincts.
Humingi rin ng paumanhin si Bautista sa mga nagsulong ng mall voting pero nangako ito na muli nila itong susubukan sa 2019 election.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.