Kumakalat sa social media na isasailalim din sa ECQ ang CALABARZON, hindi totoo – NTF
Pinabulaanan ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) ang kumakalat na balita sa social media na isasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Region 4A o CALABARZON kasabay ng lockdown sa Metro Manila sa August 6 hanggang 20.
Ayon kay NTF deputy chief implementer at testing czar Vince Dizon, tanging ang Metro Manila lamang ang isasailalim sa ECQ sa susunod na linggo.
Wala aniyang desisyon ang NTF na ilagay sa mahigpit na quarantine restrictions ang Region 4A.
Nabatid na ang Laguna at Lucena City ay nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) lamang hanggang August 15.
Nasa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions naman ang Cavite at Rizal hanggang August 15
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.