BREAKING: Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa mahigit 63,000; 6,879 ang nadagdag

Mahigit 6,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (August 3), pumalo na sa 1,612,541 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 63,137 o 3.9 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 6,879 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

94.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.3 porsyento ang asymptomatic; 1.46 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 1.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 48 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 28,142 o 1.75 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 6,337 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,521,263 o 94.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...