Coronation Night ng Miss World Philippines, ipinagpaliban muli dahil sa ECQ

By Angellic Jordan August 03, 2021 - 04:44 PM

Muling ipinagpaliban ang 2021 Coronation Night ng Miss World Philippines.

Sa Facebook page, sinabi ng Miss World Philippines Organization na ito ay alinsunod sa direktiba ng gobyerno at Inter-Agency Task Force (IATF) na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region.

Inihayag ng organisasyon na ‘indefinitely’ ang pagpapaliban at hintayin na lamang ang kanilang susunod na anunsiyo.

Nagdesisyon ang gobyerno at IATF na ipatupad muli ang ECQ dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 dulot ng mas nakakahawang Delta variant.

Epektibo ang ECQ sa Metro Manila simula August 6 hanggang 20, 2021.

TAGS: InquirerNews, lifestyle, MissWorld, MissWorldPH, MissWorldPhilippines, RadyoInquirerNews, InquirerNews, lifestyle, MissWorld, MissWorldPH, MissWorldPhilippines, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.