Ayudang ipamimigay sa mga residente sa NCR na apektado ng ECQ, galing sa savings ng gobyerno

Photo grab from PCOO Facebook video

May mapagkukunang pondo ang pamahalaan para mabigyan ng ayuda ang mga residente sa Metro Manila na maapektuhan ng enhanced community quarantine mula August 6 hanggang 20 dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa P13.1 bilyong pondo ang inilaan ng pamahalaan.

Kukunin aniya ang pondo sa unobligated, continuing appropriations, savings na idineklara ng mga departamento, mga ahensya, bureau at mga opisina ng national government.

Nabatid na P10.7 bilyon ang inilaan para sa ayuda habang ang natitira ay magsisilbing contingency funds.

Una rito, sinabi ni Senador Bong Go na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang pagbibigay ng ayuda sa 80 percent na popoulasyon sa Metro Manila na apektado ng ECQ.

P1,000 hanggang P4,000 ang maaring matanggap na ayuda ng bawat pamilya.

Read more...