Abogado ni Duterte, itinanggi ang akusasyong hindi pagdedeklara ng P211 million sa SALN ng alkalde

By Chona Yu April 27, 2016 - 09:29 AM

duterte2Pinabulaanan ni Atty. Salavador “Sal” Panelo, legal counsel ni presidential aspirant Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang akusasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na mayroong 211 milyong piso ang alkalde na hindi nakadeklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Panelo na aabot lamang sa 200,000 pesos ang laman ng bank account ni Duterte sa Julia Vargas, San Juan BPI branch.

Ayon pa kay Panelo, winithdraw na ni Duterte ang nasabing pera noon pang 2014.

Apela ni Panelo sa publiko, huwag maniwala sa mga malisyosong impormasyon lalo’t madaling gumawa ng kwento.

Tiwala naman si Panelo na malalagpasan ni Duterte ang panibagong akusasyon na ipinupukol sa kanya.

Dagdag ni Panelo, kayabangan lamang ang ginagawang paninira ni Trillanes kay Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.